Connect with us

Pre-registration ng national ID, naging maayos ang takbo – DILG

Maayos ang nagiging takbo ng kasalukuyang pag-proseso ng pre-registration para sa national identification system sa 32 priority provinces.

National News

Pre-registration ng national ID, naging maayos ang takbo – DILG

Maayos ang nagiging takbo ng kasalukuyang pag-proseso ng pre-registration para sa national identification system sa 32 priority provinces.

Ito ang inihayag ng Department of the Interior ang Local Government (DILG).

Sa katunayan anito ay mayroon nang 119 Local Government Units ang pumirma ng memorandum of agreement sa Philippine Statistic Authority (PSA) para sa mas tiyak na ang maayos na pagsasagawa ng programa.

Habang 216 LGUs pa ang nakatakdang pumirma ng MOA kasama ang PSA ngayong linggo.

Sa ilalim ng naturang kautusan, inaasahan ang LGUs na makipag-coordinate sa municipal at barangay level meetings para sa briefing at discussion sa operasyon ng philsys.

Mandato din ng LGU ang pagsasa-ayos ng registration resources kabilang ang pagtatalaga ng registration area, electrical supply at storage area ng registration kits.

Tatagal naman ang pre-registration ng national id hanggang sa Disyembre  10 habang magsisimula ang registration proper sa mga naunang probinsya sa Nobyembre 12.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top