Connect with us

Pre-registraion ng national ID system ng bansa, sisimulan na sa Oktubre

Maayos ang nagiging takbo ng kasalukuyang pag-proseso ng pre-registration para sa national identification system sa 32 priority provinces.

National News

Pre-registraion ng national ID system ng bansa, sisimulan na sa Oktubre

Target na masimulan na sa Oktubre ang pre-registration para sa Philippine Identification System (PHILSYS) o national ID.

Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa naganap na pagdinig ng Senado sa 2021 proposed national budget.

Ayon sa NEDA, plano itong gawin sa pamamagitan ng pagiikot ng mga kinatawan ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa mga piling mahihirap na pamilya upang mag-kolekta ng non-biometric informations gaya ng pangalan, address at iba pa.

Layon nito na mas mapabilis at mapadali ang registration na target isagawa sa katapusan ng taon at upang maiwasan na rin ang kumpulan ng mga tao.

40 milyong Pilipino ang target na ma-irehistro ng NEDA para sa national ID hanggang sa susunod na taon.

More in National News

Latest News

To Top