Connect with us

PRC, posibleng mapilayan dahil sa P1-B utang ng Philhealth

Ikinababahala ni Senador Richard Gordon na posibleng maapektuhan ang operasyon ng PRC dahil sa utang ng Philhealth kaugnay sa ibinibigay na COVID-19 test.

National News

PRC, posibleng mapilayan dahil sa P1-B utang ng Philhealth

Ikinababahala ni Senador Richard Gordon na posibleng maapektuhan ang operasyon ng Philippine Red cross dahil sa utang ng Philhealth kaugnay sa mga ibinibigay na COVID-19 test sa mga Overseas Filipino Workers.

Dahil dito, posibleng mahinto ang pagbibigay ng COVID-19 Test ng PRC sa mga taong dumepedende ng ibabayad mula sa Philhealth.

Ayon kay Gordon, aabot na sa P1 bilyong utang ng ahensya pagdating sa pagbibigay ng COVID Test.

Simula aniya ang P100 milyon na  advance payment ng Philhealth sa  PRC ay naging paunti-unti na lang ang ginawang pagbabayad ng ahensya.

Giit ni Gordon, hindi maaring puro utang na lang ang Philhealth dahil nangangailangan na rin ang PRC ng pera para sa tuloy tuloy nitong operasyon.

Aniya, kailangang makabili ng mga panibagong test kits, maliban pa dito ay ang ipang sasahod sa mga med techs at iba pang staff ng PRC.

Ang hindi rin aniya pagbabayad ng Philhealth ay maaring makahadlang para tuluyan ng buksan ang mga bagong itinayong  laboratoryo sa Bacolod, Zamboanga at Cagayan De Oro City.

Kung hindi agad ma-settle ng Philhealth ang kanilang balanse sa PRC ay plano ng huli na isuspende muna ang testing centers nito sa Maynila.

Pero aniya patuloy itong tatanggap ng walk in na may pambayad sa COVID-19 test.

 

More in National News

To Top