Connect with us

Posibleng ‘Havana Syndrome’ attack sa White House, iniimbestigahan na ng US

Posibleng 'Havana Syndrome' attack sa White House, iniimbestigahan na ng US

International News

Posibleng ‘Havana Syndrome’ attack sa White House, iniimbestigahan na ng US

Iniimbestigahan na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos ang isang mysteryosong insidente na nangyari sa Washington D.C, malapit sa White House kamakailan lang.

 

Ito ay para tukuyin kung magkapareho ang naturang mga energy attack sa Cuba para magkasakit ang mga opisyal ng gobyerno.

 

Tinatawag ang naturang energy attack na ‘Havana Syndrome’ na parang hindi maipaliwanag na neurological problems.

 

Ang pinakahuling insidente ay nangyari nitong Nobyembre nang magkasakit ang National Security Council official na nagtungo malapit sa Ellipse, ang oval lawn sa southern part ng White House.

 

Ilan sa mga sintomas ng sakit na havana syndrome ay pagkarinig ng kakaibang ingay, pagkahilo, pagduwal, matinding sakit ng ulo, at pagkawala ng memorya.

 

More in International News

Latest News

To Top