Connect with us

Pondo para sa COVID testing sa 2022, hindi kukulangin – Sen. Angara

Pondo para sa COVID testing sa 2022, hindi kukulangin - Sen. Angara

National News

Pondo para sa COVID testing sa 2022, hindi kukulangin – Sen. Angara

Tiwala si Senador Sonny Angara na kaya nang gawing libre ng pamahalaan ang COVID testing ngayong 2022 kung gagawin ito sa mga laboratoryo na hawak ng gobyerno.

Paliwanag ng senador, na siyang chairman ng Senate Committee on Finance, may sapat na pondo sa 2022 National Budget para sa pangangailangan ng ating mga kababayan na hindi abot sa bulsa ang magpa COVID test.

Sa kasalukuyan ang presyo ng RT-PCR test ay nasa P1,000 – P 3,000. At minsan ay nasa P5,000 sa ibang mga pribadong kompanya.

Una ng sinabi ng Department of Health (DOH) na karamihan sa mga apektado ng Omicron variant ay asymptomatic o simpleng ubo at sipon lamang ang nararamdaman kung kaya’t mahalaga ani Angara na magpa test upang maiwasan ang hawaan.

Hinikayat din ng senador ang DOH na agad ng i-download ang nasabing pondo sa mga laboratoryo ng gobyerno upang makapagbigay na ng libreng testing para sa mga nangangailangan.

More in National News

Latest News

To Top