Connect with us

Pondo para sa Brgy. Development Project ng NTF-ELCAC hindi maabuso – Sen. Lacson

Hindi maabuso ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang P16.4 bilyon na pondo para sa 2021.

National News

Pondo para sa Brgy. Development Project ng NTF-ELCAC hindi maabuso – Sen. Lacson

Hindi maabuso ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang P16.4 bilyon na pondo para sa 2021.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa mga kapwa senador na nais na i-defund o tanggalan ng pondo ang nasabing taskforce.

Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa Brgy. Development Project ng mahigit 800 na mga cleared brgy. o mga komunidad na nakalaya na sa impluwensya ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Lacson na siyang dumepensa ng budget nito noong nakaraang taon na didiretso ang pondo sa mga LGU na magpatutupad ng programa sa mga barangay.

“Being the sponsor of the NTF-ELCAC’s 2021 budget, it is my obligation and responsibility to defend the Department of Budget and Management’s release of funds which will be implemented not by the NTF-ELCAC but by the local government units concerned,” ang pahayag ni Lacson.

Base sa sistema, ang mga Programs, Activities and Projects (PAPs) ng NTF-ELCAC para sa mga lugar na dating pinamumugaran ng NPA ay ang mga sumusunod: ang PAP na may halagang P1 milyon at pababa ay ipapatupad ng barangay; munisipyo o siyudad naman ang magpapatupad ng proyektong may halagang mas mataas sa P1 milyon pero hindi lalampas sa P10 milyon; at probinsiya ang magpapatupad sa proyektong mas mataas na sa P10 milyon.

Ayon kay Lacson ang  PAPs para sa cleared barangays ay kinabibilangan ng pagtatayo ng sistema ng patubig, kalsada, gusaling pamparaalan at mga day care centers.

Nilinaw din ni Lacson na kahit pa ang security sector ng pamahalaan ay hindi rin puwedeng pakialaman ang nabanggit na pondo dahil ito ay bahagi ng Special Purpose Fund sa ilalim ng Assistance to Local Government Units (ALGU) na may malinaw na alituntunin na para lamang talaga sa pagpapaunlad ng mga barangay na nalinis na mula sa NPA.

Sa ngayon aniya ay P9.699B na ang naipalabas para sa Brgy. Dev’t Project o 59 % sa kabuuang 16.4 na para sa 1,374 development programs, mga kaakibat na proyekto at iba pang aktibidad.

More in National News

Latest News

To Top