Connect with us

Pondo para sa AFP modernization, hindi apektado sa kinakaharap na pandemya ng bansa

Pondo para sa AFP modernization, hindi apektado sa kinakaharap na pandemya ng bansa

National News

Pondo para sa AFP modernization, hindi apektado sa kinakaharap na pandemya ng bansa

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa eksklusibong panayam nito kay Pastor Apollo C. Quiboloy  ng The Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na ang pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization ay hindi apektado sa kinakaharap na pandemya ng bansa.

Ayon kay Pang. Duterte, iba ang pondo na pinagkukunan para sa laban sa COVID-19.

Aniya, galing ang pondo na hiniram ng bansa sa World Bank (WB) at Development Bank of Asia (DBA).

Bukod dito ay sinabi rin ng pangulo na hindi dumadaan sa kamay ng gobyerno ang pondo para sa pagbili nito ng bakuna.

Taliwas ito sa inakala ng oposisyon na hawak ng pamahalaan ang pondo para rito.

 Samantala, sinabi ng pangulo na magdadagdag ito ng allotment sa mga lugar na may pagtaas ng kaso ng COVID-19 gaya sa Cebu, Maynila, Cagayan at Zamboanga.

More in National News

Latest News

To Top