Connect with us

Pondo para sa 2021 Tokyo Olympics, ipinanawagan sa Pamahalaan

Ipinananawagan na ngayon ni Valenzuela 2nd District Rep. at Chairman ng Committee on Youth and Sports Eric Martinez ang budget na gagamitin ng mga atleta para sa 2021 Tokyo Olympics.

National News

Ani Cong. Martinez sa panayam ng sonshine radio, “So, 3 weeks ago, nag-hearing kami sa Committee on Youth and Sports kasama ang Philippine Sports Commission.”

“So, natanong ‘yan ano ang chances ng ating mga athletes ngayong Tokyo Olympics na napostpone nga, na dapat ngayong taon’g ito, gagawin nila next year.”

Sinabi pa nito na ayon kay Chairman William “Butch” Ramirez, mayroon ng apat na qualifier ang bansa sa ngayon.

Ito ay sina Pole Vaulter Ej Obiena, gymnast na si Carlo Yulo, dalawang boksingero, at Hidilyn Diaz sa weightlifting.

Sa kabila nito, ang pondo para sa mga atleta ay nagamit para sa Bayanihan 1 sanhi ng COVID-19 pandemic.

Kinumpirma din ni Cong. Martinez ang pondo ng Philippine Sports Commission ay hanggang Disyembre na lamang para sa mga pagsasanay ng mga atleta.

Kaya naman, sinusulong ngayon ng kongresista ang sapat at tamang pondo ngayon para sa 2021 Tokyo Olympics.

More in National News

To Top