Connect with us

Political will ni Pang. Duterte vs illegal drugs, hindi matatawaran – Pastor Quiboloy

Kung hindi pa si Pangulong Rodrigo Duterte ang namuno sa Pilipinas, posibleng hindi ganito ang estado ng bansa ngayon.

National News

Political will ni Pang. Duterte vs illegal drugs, hindi matatawaran – Pastor Quiboloy

Kung hindi pa si Pangulong Rodrigo Duterte ang namuno sa Pilipinas, posibleng hindi ganito ang estado ng bansa ngayon.

Ganito isinalarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, executive pastor ng The Kingdom of Jesus Christ at chairman ng Sonshine Media Network International ang Pamahalaang Duterte dahil sa hindi matatawaran paninindigan o political will nito.

Sinabi pa ng butihing pastor na malayo na ang narating ng bansa sa ilalim ng pamumuno nito.

Kaakibat nito ang maayos na implementasyon ng batas na kailanman ay hindi nabibili matapos nitong banggain ang malalaking pangalan, korporasyon at maging sa iligal na droga.

Halimbawa nito ay ang pagkakasabat sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  at Philippine National Police (PNP) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu sa iba,t ibang bahagi ng bansa.

Giit pa ni Pastor Apollo, kung hindi pa dahil sa pangulo, posibleng nabili na ang mga ahente at ilang miyembro ng PNP upang palampasin ang mga kontrabando.

Sa kabilang banda, tiniyak ng PNP na mas paiigtingin pa nito ang kampanya ng bansa kontra ilegal na droga sa ilalim ng mas matibay na ugnayan nito sa PDEA bilang lead agency sa anti-drugs campaign ng administrasyon.

 

More in National News

Latest News

To Top