Nagbabala ang Philippine National Police na mahaharap sa mabigat na parusa ang mga opisyal ng pulisya na sangkot sa illegal gambling.

Police officials na sangkot sa illegal gambling, mahaharap sa mabigat na parusa ayon sa PNP

National News

Nagbabala ang Philippine National Police na mahaharap sa mabigat na parusa ang mga opisyal ng pulisya na sangkot sa illegal gambling.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, PNP deputy chief for operations, seryoso ang Pambansang Pulisya sa pagpapatupad ng “one strike policy.”

Sa katunayan anya makikipagpulong siya sa mga director para magsagawa ng malalim na imbestigasyon sa iligal na sugal.

Partikular na aalamin ng PNP ay ang mga nakikinabang sa iligal gambling at kung paano ito nakalulusot.

Kahapon, pinangunahan ni Eleazar ang pagsira sa mahigit 50 illegal gambling machines na nakumpiska ng Integrity Monitoring and Enforcement Group sa iba’t ibang operasyon.