Connect with us

Police Lt. Col. Jovie Espenido at 2 iba pa, nagpiyansa sa kasong homicide

Naglagak ng piyansa si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido at dalawang pulis.

National News

Police Lt. Col. Jovie Espenido at 2 iba pa, nagpiyansa sa kasong homicide

Naglagak ng piyansa si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido at dalawang pulis.

Ito ay matapos boluntaryong sumuko sa Ozamis City Police Station kasunod ng warrant of arrest ng Department of Justice (DOJ) ng dahil sa 6 counts ng homicide na isinampa ng isang Carmelita Manzano noong 2018.

Inireklamo ni Manzano ang tatlo dahil sa pagpatay umano sa kanyang asawa, anak at iba pang indibidwal sa raid sa Barangay Cabinti noong Hunyo 1, 2017.

Ayon kay Espenido, 240,000 piso ang inilagak niya at dalawang dating tauhan na sina Police Executive Master Sergeant Renato Martir Jr. at Police Corporal Sandra Louise Bernadette Bantilan.

Iginiit ni Espenido na kilalang tauhan ng pamilyang Parojinog at miyembro ng Martilyo Gang ang mga napatay na suspek sa isinagawang raid.

More in National News

Latest News

To Top