Connect with us

PNP-wide Biosafety Plan, mahigpit na ipatutupad dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa pulisya

PNP, naka-heightened alert sa SONA ni Pangulong Duterte

National News

PNP-wide Biosafety Plan, mahigpit na ipatutupad dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa pulisya

Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police ang kanilang Biosafety Plan sa lahat ng kampo ng pulisya, presinto kasama na ang ECQ checkpoints kontra COVID-19.

Ito ang tiniyak ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac matapos umabot sa 78 ang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa nasabing sakit.

Ayon kay Banac, babantayan din nila ang COVID-19 cases sa kanilang hanay sa gitna ng mas mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine at ginagawang contract tracing sa buong bansa.

Sa tala ng PNP health service, 580 ang suspected covid-19 cases, 96 ang probable cases, 3 ang nasawi at 12 ang naka-recover.

Maliban sa pag-aresto sa ECQ violators, paiigtingin din ng PNP ang paghuli sa mga sangkot sa hoarding, profiteering at manipulation ang pangunahing produkto, nagpapakalat ng fake news at nangha-harass sa medical frontliners.

 

 

More in National News

Latest News

To Top