Connect with us

PNP, tutulong sa DSWD sa pamamahagi ng cash assistance sa mga apektado ng ECQ

Pinabubuo ni PNP chief Eleazar ang PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng database ng mga pulis na nasibak sa serbisyo.

National News

PNP, tutulong sa DSWD sa pamamahagi ng cash assistance sa mga apektado ng ECQ

Tatalima ang Philippine National Police (PNP) sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumulong sa pamamahagi ng tulong ng mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong residente ng umiiral na enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang tiniyak ni PNP Deputy Chief for Operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, pinuno ng Joint Task Force COVID-19 Shield upang masiguro na magiging maayos ang pamamahagi ng cash assistance.

Ayon kay Eleazar, inatasan na ang lahat ng Unit Commanders at Chief of Police na tiyakin na maiiwasan ang gulo sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng kagawaran.

Maliban pa rito, layunin din ng pulisya na matiyak ang kaligtasan ng social welfares.

Muli ring umapela sa publiko ang PNP na manatili lamang sa tahanan habang hinihintay na maiabot ang tulong ng gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top