Connect with us

PNP, tiniyak na tinututukan ang mental health ng mga pulis

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mahigpit na sundin ang minimum public health safety standards at quarantine protocols.

National News

PNP, tiniyak na tinututukan ang mental health ng mga pulis

Tiniyak ng Philippine National Police na tinututukan nila ang mental health ng mga pulis sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan, may team sila mula sa PNP Health Service na tumitingin sa kapakanan ng mga pulis lalo’t abala sila sa pagtupad sa tungkulin.

Regular anyang nag-iikot ang kanilang mga duktor upang alamin ang mga pangangailangan ng mga pulis.

Partikular nilang tinututukan ang mga pulis na naka-deploy sa iba’t ibang quarantine facilities.

Base sa pinakahuling tala, 6,471 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP.

More in National News

Latest News

To Top