PNP tiniyak malls

PNP, tiniyak ang mahigpit na pagbabantay sa malls na magbubukas sa MECQ

National News

Tiniyak ni Joint Task Force Covid Shield Commander PLt. Gen. Guillermo Eleazar na agad na ipasasara ang malls na mabibigong magpatupad ng physical distancing at iba pang inilatag na minimum health standards ng Department of Health (DOH).

Ito ay alinsunod sa ipinalabas na kautusan ni DILG Secretary Eduardo Año.

Ayon kay Eleazar, pangungunahan din ang pagsasampa ng kinauukulang kaso laban sa pamunuan ng mga lalabag na malls.

Dagdag pa rito, magsasagawa ang police commanders ng regular inspeksyon sa mga nasasakupan nilang malls.

Samantala, nasa kamay na ng police commanders ang listahan ng malls na lumapag sa unang araw ng MECQ. Ito ay upang mabigyan na agad ng warning ang mga malls na lumabag sa guidelines.