Ibibigay ng Philippine National Police - Bangsamoro Autonomous Region (PNP-BAR) ang kanilang kooperasyon ang gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa 'misencounter' sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu.

PNP, tiniyak ang kooperasyon sa NBI kaugnay sa imbestigasyon sa Sulu ‘misencounter’

Regional

Tiniyak ng Philippine National Police – Bangsamoro Autonomous Region (PNP-BAR) ang kanilang kooperasyon sa gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa ‘misencounter’ sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu.

Sa pahayag ng PRO-BAR, sinabi nito na makakaasa ang NBI na ibibigay nila ang administrative at operational support upang malaman ang katotohanan.

Lahat din anya ng pulis na sangkot sa insidente ay dinisarmahan na at restricted na rin sa quarters habang naghahanda ang NBI na simulan ang kanilang imbestigasyon.

Patuloy namang hinihintay ng ilang opisyal ang karagdagang impormasyon sa insidente.

Samantala, nanawagan naman si AFP Western Mindanao Command Commander Lieutenant General Cirilito Sobejana lalo’t hindi pa natutukoy ang motibo sa pamamaril na dapat hindi  i-sensationalize sa social media ang insidente sa Jolo, Sulu kung saan napatay umano ng mga pulis ang apat na sundalo.

Ayon kay Sobejana, mainam na hintayin munang matapos ang imbestigasyon sa insidente.

Sa ngayon, ipinauubaya na ng PNP at AFP Wesmincom sa NBI Regional Office sa Zamboanga City ang pagsisiyasat sa upang malaman ang totoong pangyayari.

Sa report ng militar, nakasakay sa SUV ang 4 na sundalo na nagsasagawa ng operasyon nang mabaril ng mga pulis sa Barangay Walled City, Jolo, Sulu.