Connect with us

PDEA chief, suportado ang desisyon ni Pang. Duterte na ipaubaya ang PNP-PDEA shootout investigation sa NBI

PDEA chief, suportado ang desisyon ni Pang. Duterte na ipaubaya ang PNP-PDEA shootout investigation sa NBI

National News

PDEA chief, suportado ang desisyon ni Pang. Duterte na ipaubaya ang PNP-PDEA shootout investigation sa NBI

Suportado ng liderato ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang desisyon ni Pang. Rodrigo Duterte na ang National Bureau of Investigation (NBI) na ang manguna sa imbestigasyon sa nangyaring shootout sa pagitan ng PNP at PDEA sa Quezon City.

Para kay PDEA chief Director General Wilkins Villanueva, “mas maganda” ang naturang hakbang ng pangulo.

Otomatiko na anyang ihihinto ng binuong PNP-PDEA board of inquiry ang pagiimbestiga sa pangyayari at ibibigay na sa NBI ang mga inisyal na impormasyon na kanilang nakalap.

Miyerkules ng gabi nang mangyari ang sinasabing misencounter kung saan 2 pulis, isang PDEA agent at isang informant ang namatay sa pangyayari.

Una nang tiniyak ni Villanueva at ni PNP chief P/Gen. Debold Sinas na magiging patas at makatotohanan ang gagawin nilang imbestigasyon.

Kapwa rin sinabi ng mga pinuno ng PDEA at PNP na lehitimo ang kanilang drug operation sa noong Miyerkules.

Samantala, nakatakda naman sa darating na Marso 1 ang sariling imbestigasyon ng Kamara hinggil sa pangyayari.

More in National News

Latest News

To Top