Connect with us

PNP SAF at NPA, nagkasagupa sa Samar– PNP chief Sinas

Nagkasagupa ang Philippine National Police - Special Action Force (PNP-SAF) at New People's Army (NPA) sa Calbayog City, Samar.

National News

PNP SAF at NPA, nagkasagupa sa Samar– PNP chief Sinas

Nagkasagupa ang Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) at New People’s Army (NPA) sa Calbayog City, Samar.

Ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas, nagsasagawa ng counterinsurgency operation ang PNP-SAF 123rd Special Action Company ng 12th Special Action Battalion nang makaharap ang hindi mabatid na bilang ng mga miyembro ng NPA sa Barangay Salvacion.

Hindi naman mabatid ang casualties sa panig ng NPA habang wala naman nasugatan o nasawi sa pulisya.

Narekober sa encounter site ang isang M16 Elisco rifle, isang improvised homemade double zero shotgun, magazine at mga bala.

Dismayado ang Chief PNP sa hindi pagpapakita ng paggalang ng NPA sa panahon ng Semana Santa at patuloy ang iligal na aktibidad.

“The communist terrorists do not show any respect for the sacredness of the Holy Week and will continue with their unChristian criminal activities,”ani Sinas.

“The PNP is duty-bound to protect the Filipino people and the country from the relentless terror plots of the Communist Groups. We will continue to hunt them down and we will never tolerate their utter disregard of the rule of law” dagdag pa nito.

Samantala, tiklo ang 2 drug suspects sa Valencia City, Bukidnon.

Ayon kay Police Colonel Jun Mark Lagare, provincial director ng Bukidnon Police, nahuli sina Efren Luz, kabilang sa watchlist ng Directorate for Intelligence at Arlene Alayaay matapos umanong mabilhan ng sachet ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang na 2.05 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng 14,000 ang nakumpiska sa mga suspek.

Dinala sa Provincial Crime Laboratory 10, sa Malaybalay City, Bukidnon ang mga ebidensya.

Habang mahaharap sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga naaresto.

More in National News

Latest News

To Top