Connect with us

PNP sa NCR + bubble, pinayuhang sumailalim sa regular na RT-PCR test – Gen. Sinas

Regular na isailalim sa RT-PCR test ang mga pulis lalong-lalo na ang nagbabantay sa checkpoints sa NCR+ Bubble.

National News

PNP sa NCR + bubble, pinayuhang sumailalim sa regular na RT-PCR test – Gen. Sinas

Regular na isailalim sa RT-PCR test ang mga pulis lalong-lalo na ang nagbabantay sa checkpoints sa NCR+ Bubble.

Ito ang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas para masiguro na ligtas ang mga ito mula sa COVID-19.

Matatandaang sa makalipas na 4 na araw ay 4 rin na PNP personnel ang nasawi dahil sa COVID-19.

Isang non-commissioned officer sa NCRPO, non-uniformed personnel na naka-assign sa Directorate for Intelligence at Police Commissioned at Non-Commissioned Police Officers mula Region 3.

Pinagbabawalan na rin ni Sinas na sumailalim sa self-medication at home quarantine ang mga pulis na may nararamdamang sintomas.

Agarang ipaalam na aniya ito sa PNP health service upang mabigyan ng tamang atensyon.

Sa ngayon, 44 na ang nasawi sa hanay ng mga pulis dahil sa COVID-19.

Nakapagtala naman ng 227 na bagong kaso ng COVID-19 kaya’t umabot na sa 17,405 ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng sakit.

Habang 14,931 ang mga gumaling sa hanay ng pulisya.

Sa ngayon, 2,430 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP sa buong bansa.

More in National News

Latest News

To Top