Kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, umabot na sa 65

PNP, prayoridad ang mental health status ng mga pulis

National News

Prayoridad ng Philippine National Police (PNP) ang mental health status ng mga personnel nito sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ito ni PNP Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Police Lt. Gen. Camilo Cascolan; na alinsunod sa utos ni PNP Chief Archie Francisco Gamboa.

Dahil dito, nag-organisa ang PNP ng psychologists corps sa ilalim ng PNP health service.

Target nito ani Cascolan ang mabigyan ng lunas ang mga pulis na dumanas ng psychological problem dahil sa stress sa trabaho dala ng pandemya.

Sa huling tala ng PNP, umabot nasa 415 ang kumpirmadong kaso ng naturang virus sa hanay ng kapulisan kung saan 241 ang gumaling na habang pito naman ang nasawi.