Connect with us

 PNP, posibleng magreshuffle ng mga tauhan ngayong panahon ng halalan

Pinatitiyak ni PNP Chief Police General Guillero Eleazar sa lahat ng chief of police sa bansa na bantayan ang mga kilos ng mga kawani nito

Uncategorized

 PNP, posibleng magreshuffle ng mga tauhan ngayong panahon ng halalan

Pinatitiyak ni PNP Chief Police General Guillero Eleazar sa lahat ng chief of police sa bansa na bantayan ang mga kilos ng mga kawani nito lalo na sa mga lugar kung saan may kamag anak ang mga ito na tatakbo sa politiko ngayong May 2022 elections.

Ito ay ilang araw bago ang pagtatapos ng unang bahagi ng May 2022 elections, ang filing ng Certificate of Candidacy, nagbabala ang pamunuan ng pnp sa posibleng pakikisawsaw ng nga kawani nito sa politika.

Kaugnay nito, posibleng magsagawa ng reshuffling ang PNP sa mga tauhan nito kasama na ang high ranking officials na may mga kamag anak na lalahok ngayong May 2022 elections.

Ayon kay General Eleazar, patuloy ang pakikipag ugnayan nito sa ibat ibang police units na pagmasdan ang kilos ng mga ito pabor sa kanilang mga kamag anak sa politika.

Giit pa ni Eleazar, pinatitiyak lang nito na hindi mahahaluan ng politika ang tungkulin ng mga kapulisan habang naguumpisa na ang iba’t ibang kampanya ng mga politiko para sa May 2022 election.

Kaugnay nito, muling iginiit ng PNP na mananatili silang tahimik sa pagbibigay ng pabor sa sinumang kandidato ngayong halalan.

Tiniyak din nito na hindi sila tatalima sa posibleng panunuhol ng mga politika upang bilhin ang serbisyo ng mga kapulisan sa oras ng kampanya at botohan.

Samantala para sa ikaapat na araw ng pagpipila ng COC, naniniwala ang PNP na magtutuluy tuloy pa ang nasimulang kaayusan at katahimikan sa panig ng mga politiko at mga tagasuporta nito lalo na sa pagsunod sa minimum health standard protocol laban sa COVID-19.

More in Uncategorized

Latest News

To Top