PNP, pinasalamatan ang mga Muslim sa pagsunod ng health protocols

National News

Pinasasalamatan ng Philippine National Police (PNP) ang mga Muslim dahil sa masigasig na pagsunod ng health protocols sa gitna ng kanilang selebrasyon ng Eid’l Adha.

Ipinapakita lang umano ang totoong diwa ng nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pagsunod ng mga Muslim sa panuntunan sa gitna ng pandemya.

Dahil dito, nirerekomenda ng PNP ang mga Muslim sa pagiging masunurin nito sa minimum health standards.

Ang Eid’l Adha ay isang major Muslim feast kung saan ipinagdiriwang ang pagsakripisyo ni Abraham sa kanyang anak bilang pagsunod kay Allah.