Connect with us

PNP, patuloy sa pangangalap ng ebidensya kaugnay sa Christine Dacera case

Patuloy na mangangalap ng ebidensya ang Philippine National Police (PNP) para sa kaso ni Christine Dacera.

National News

PNP, patuloy sa pangangalap ng ebidensya kaugnay sa Christine Dacera case

Patuloy na mangangalap ng ebidensya ang Philippine National Police (PNP) para sa kaso ni Christine Dacera.

Ito’y kahit hindi susuporta sa nauna nilang inihaing kaso na rape-slay ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Brigadier General Vicente Danao sa panayam ng Sonshine radio.

 “Ang purpose ng pag-iimbestiga pa further, to ferry out the truth. Gusto nating malaman kung ano ba ang tunay. Kumbaga, hindi naman kasi nandiyan yung case, ‘yun na ‘yun. Para naman kasi sa katotohanan that will be found out later na wala naman pala, eh ‘di mas maganda para matapos na po tayo sa kasong ito.”

 Dagdag pa ni Danao, binigyan sila ng piskal ng dalawa pang linggo hanggang January 27 para mangalap pa ng ebidensya.

 Hinihikayat pa ni Danao na kung sino pa ang gustong ahensya na magsagawa ng pag-iimbestiga sa Dacera case ay welcome namang tumulong.

 Samantala, isang senyales ng pagiging guilty ang pag-alis ng bansa ng isang person of interest sa nasabing kaso.

 Ayon kay chief Danao, kung wala ka namang kasalanan ay walang dapat ikatakot.

 Kaugnay ito sa isang napaulat na person of interest na umano’y tumakas papuntang ibang bansa.

 “Wala pa po akong nakikita o nababasa na certified to. Pero alam n’yo, ‘yung mga ganyan kasing move lalo na’t ang pangalan mo ay pumuputok, alam n’yo, it is an indication of guilt para sa akin. Hindi ko po sinasabing siya ang may gawa. Kung malinis ang konsensiya, bakit naman daw tayo tatakbo? For what reason?”

Binigyang-diin naman ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Head Arsenio Evangelista sa panayam ng Sonshineradio na hindi obligadong magbigay agad ng konklusyon sa Dacera case ang mga nag-iimbestiga dito.

 Ito’y kasunod sa medyo minadali na prosesong isinagawa ng PNP sa pag-imbestiga ng pagkamatay ng flight attendant na si Dacera.

 “Isang reminder sa PNP, sa pulis na hindi naman kayo obligado na ura-urada ‘yung case. Huwag kayong makinig sa social media.”

 Ngayon ani Evangelista, suportado nila ang pagtulong ng National Bureau of Investigation para mas mapalalim pa ang imbestigasyon sa kaso.

 Nilinaw naman ni Evangelista na hindi nila minamaliit ang PNP kundi nirerespeto lang nila ang parrallel investigation na hinihingi ng pamilyang naiwan ni Dacera.

  “We fully support yung parallel investigation na hiningi rin ng pamilya at initiated by DOJ Secretary Guevarra tasking NBI to have a parallel investigation. Dito makikita natin ‘yung big difference. Macro ang ginagawa nila. Nandun ang dahan-dahan, nag-iingat sila para ‘pag nag-file sila, it will be a stronger case.”

 

More in National News

Latest News

To Top