Connect with us

PNP, natukoy na ang mga tauhan na maaaring ipadala sa iba’t ibang ospital

National News

PNP, natukoy na ang mga tauhan na maaaring ipadala sa iba’t ibang ospital

Aabot sa 339 pulis na may tinapos na kurso sa medisina ang natukoy ng Philippine National Police (PNP)para makatulong sa paglaban sa COVID-19.

Ayon kay PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Camilo Cascolan, hindi pa gumaganap sa tungkulin bilang medtech ang mga pulis kaya magiging karagdagan sila sa PNP Medical Corps.

Sa ngayon, bibigyan muna sila ng briefing sa ilalim ng Health Service bago ipadala sa iba’t ibang ospital.

Patuloy na kino-consolidate ni Cascolan ang information data sheet ng iba pang pulis upang malaman kung sino pa ang may background sa medisina.

Una nang inatasan ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa si Cascolan na maghanap ng mga tauhan na maaaring makatulong sa health workers ngayong pandemya.

More in National News

Latest News

To Top