Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido

PNP, may ‘failure of intelligence’ sa drug list – PLt. Col. Espenido

National News

Naniniwala si Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido, dating hepe ng Bacolod Police na nagkaroon ng “failure of intelligence” ang Philippine National Police matapos siyang maisama sa druglist.

Ayon kay Espenido, hindi na proseso ng maayos ng PNP ang ibinigay sa impormasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Espenido na posibleng isiningit sa listahan ang kanyang pangalan ng ilang may impluwensya.

Si Espenido ang isa sa mga itinuturing na poster boy ng administrasyon sa war on drugs matapos na masawi ang mga tinaguriang narco-politicians na sina Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog habang siya ang Chief of Police sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, nananatiling tikom ang bibig ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa sa pagkakasama umano ni Espenido sa drug list.