Connect with us

PNP, magkakasa ng imbestigasyon sa pagkasawi ng isang  curfew violator sa Cavite – Gen. Usana

Magkakasa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkamatay ng curfew violator na si  Darren Peñaredondo sa General Trias City, Cavite.

National News

PNP, magkakasa ng imbestigasyon sa pagkasawi ng isang  curfew violator sa Cavite – Gen. Usana

Magkakasa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pagkamatay ng curfew violator na si  Darren Peñaredondo sa General Trias City, Cavite.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, kukunin ng 7 nitong kasama na nahuli rin sa curfew.

Sa salaysay sa Facebook post ni Adrian Luceñan ang kapatid ng biktima, nitong  linggo lamang ng umaga ay nasawi  si Darren matapos utusan ng mga pulis na mag-pumping nang 100 beses bilang parusa sa paglabag sa curfew noong Huwebes ng gabi, Abril 1.

Ngunit dahil hindi magkakasabay ang mga hinuling curfew violators ay pinaulit-ulit umano ang mga ito sa parusang pumping, base sa post ni Luceña ay umabot ng hanggang 300 beses.

Batay sa kwento ni Adrian,  bandang alas- 8 ng umaga, araw ng Biyernes ay hindi na makalakad ng maayos si Darren at Sabado ng madaling araw, nagkaroon ng convulsion ang biktima at pinagtulungang i-revive ng kanyang pamilya.

Muling sinumpong ng convulsion si Darren sa araw ng Linggo at kahit pilit na ni-revive ng pamilya ay hindi na nito nagawang marevive hanggang na-comatose ito at nawalan ng buhay bandang alas-10 ng gabi.

Napag-alaman na si Darren pala ay maysakit sa puso.

Sa panayam naman ng SMNI news kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, dumating sa kanilang tanggapan ang impormasyon na hinuli nga ng mga Brgy. Tanod ng Malabon General Trias Cavite at nirefer sa mga pulis si Darren at iba pang lumabag sa curfew hours.

Pero paglilinaw ng PNP, dapat hindi na umabot sa pagpaparusa gaya ng pagkukulong o pag aresto dahill taliwas na ito sa kautusan ng office of the chief PNP na walang pag-aresto na gagawin sa lahat ng curfew violators pero may opsiyon ang mga ito na pumili ng kanilang magiging parusa gaya ng community service o multa.

Dagdag pa ni Usana, malaki ang kaibahan ng pagpatutupad ng curfew ngayon kumpara noong nagsisimula palang ang pandemya noong nakaraang taon na may mga nakukulong bukod pa  sa mga paseminar at warning na ginagawa sa mga lumalabag.

Ayon pa kay Usana, tinitingnan na ngayon ng kanilang hanay ang buong pangyayari lalo’t dapat ay napauwi na agad ang mga nahuling violators.

Sa kabilang banda, kumilos na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at iniutos na imbestigahan ang nasabing kaso.

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nakipag-ugnayan na sila sa PNP at lokal na pamahalaan ng General Trias na imbestigahan ang kaso ni Peñaredondo kung may nagawang paglabag ang Pulisya.

More in National News

Latest News

To Top