Bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19, mahigit 60 na

PNP, magdedeploy ng karagdagang pwersa sa Cebu City

National News Regional

Magdaragdag ng pwersa ang Philippine National Police(PNP) sa Cebu City para sa pagpatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lugar.

Inatasan ni PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa ang Police Regional Offices sa Western Visayas at Eastern Visayas para magpadala ng tig-50 personnel sa Cebu City.

Alinsunod na rin ito sa rekomendasyon ni PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar matapos ibinalik sa ECQ ang lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.

Inatasan din ni Gamboa si Police Major General Israel Dickson, Director for Integrated Police Operations sa Visayas na magkaroon ng koordinasyon at i-monitor ang mga idedeploy na pwersa simula ngayong araw.

Titiyakin din ng Regional Health Services ng Police Regional Office 6 at 8 na maisailalim sa pagsusuri ang mga personnel bago ang deployment nila sa Cebu City.