Connect with us

PNP, ipapagamit ang mga kampo para sa pagbabakuna kontra COVID-19

Nakahandang ipagamit ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kampo nila para magsilbing vaccination center.

National News

PNP, ipapagamit ang mga kampo para sa pagbabakuna kontra COVID-19

Nakahandang ipagamit ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng kampo nila para magsilbing vaccination center.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana, nakadepende na ito sa pangangasiwa ng mga ahensya ng gobyerno na nakatutok sa national vaccination program.

Layunin aniya nito na agad mabigyan ng bakuna ang mga benepisyaryo.

Sa ngayon, naghahanda na ang Pambansang Pulisya para tumulong sa  gagawing pagbabakuna.

Kabilang na dito ang 2,705 tauhan ng Medical Reserve Force (MRF) na nakakalat sa buong bansa at 288 personnel mula sa PNP national headquarters.

More in National News

Latest News

To Top