PNP libreng-sakay GCQ

PNP, ipagpapatuloy ang ‘Libreng Sakay’ program sa gitna ng GCQ

National News

Magbibigay ng libreng sakay ang Philippine National Police (PNP) sa gitna ng pagbabalik-operasyon ng ilang sektor ng transportasyon simula Hunyo 1 sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, ipagpapatuloy nito ang Libreng Sakay program dahil limitado ang bumibyaheng mga sasakyan.

Kahit pa aniya limitado lang ang kanilang trucks, handa parin silang tulungan ang mga indibidwal na nangangailangan ng sakay.

Samantala, simula June 22 to 30, nakatakdang bibigyan ng permisong magbalik-operasyon ang mga public utility buses, PUVs at jeep pati na rin ang mga UV express vehicles.