Connect with us

PNP-HPG, binabantayan ang pagbiyahe ng mga hindi awtorisadong indibidwal

Pinaigting ng Philippine National Police - Highway Patrol Group(PNP-HPG) ang operasyon sa pagbiyahe ng non-APOR papunta at mula sa NCR Plus bubble.

National News

PNP-HPG, binabantayan ang pagbiyahe ng mga hindi awtorisadong indibidwal

Pinaigting ng Philippine National Police – Highway Patrol Group(PNP-HPG) ang operasyon sa pagbiyahe ng non-APOR papunta at mula sa NCR Plus bubble.

Ayon kay PNP HPG director Police Brigadier General Alexander Tagum, inatasan na niya ang HPG regional chiefs at highway patrol units sa Calabarzon, Bicol at Metro Manila na mahigpit na bantayan ang pagbiyahe ng mga hindi awtorisadong indibidwal.

Ito ay matapos maharang ang cargo truck na nagbiyahe ng non-APOR mula Ragay, Camarines Sur patungong Tagkawayan, Quezon noong Abril 3.

Nito lamang Abril 4, nahuli rin ng HPG at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 13 sasakyan dahil sa iligal na pagbiyahe ng mga tao.

Maliban dito, 11 passenger vans din ang naharang ng Regional Highway Patrol Units (RHPU) sa NCR sakay ang non-APOR papunta sa iba’t ibang destinasyon.

More in National News

Latest News

To Top