Connect with us

PNP, handang tumulong sa paghahanap ng mas ligtas na vaccination sites

Inatasan ni PNP chief Guillermo Eleazar ang iba't ibang yunit ng pulisya na tumulong sa paghahanap ng lugar na maaaring gawing COVID-19 vaccination sites.

National News

PNP, handang tumulong sa paghahanap ng mas ligtas na vaccination sites

Inatasan ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang iba’t ibang yunit ng pulisya na tumulong sa paghahanap ng lugar na maaaring gawing COVID-19 vaccination sites.

Ito ay matapos atasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mag-isip ng mga hakbang upang maiwasan ang mahabang pila sa pagbabakuna sa gitna ng ulan at baha.

Ayon kay Eleazar, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng police commanders lalo na sa flood-prone at landslide-prone areas na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) at Local Office of Civil Defense officials para humanap ng alternatibong lugar sa pagbabakuna.

Una nang inihayag ng Chief PNP na handa nilang ipagamit ang kanilang mga kampo para magsilbing vaccination area.

Isa rin sa suhestiyon ni Eleazar ay ang istratehiya sa Batangas kung saan naging maayos ang pagbabakuna sa evacuation centers.

More in National News

Latest News

To Top