PLDT Doesn’t Care: Twitter account ng PLDT, na-hack; hackers nanawagan para sa mabilis na internet

National News

Na-hack ang verified Twitter account ng PLDT customer service ngayong tanghali.

Pinalitang ng anonymous group ng hackers ang pangalan nito  nang “PLDT Doesn’t Care” mula sa “PLDT Cares.

Ayon sa post ng mga hackers, dapat ay gawin ng PLDT ang kanilang trabaho dahil marami umano sa mga Pilipino ang sabik na makausap at matiyak ang kaligtasan ng kanilang pamilya.

“As the pandemic arises, Filipinos need fast internet to communicate with their loved ones. Do your job,” utos ng grupo sa PLDT, kalakip ang larawan ng kanilang logo.”

“The corrupt fear us, the honest support us, the heroic join us. We are Anonymous. We are Legion. We do not forgive. We do not forget. Expect us,” banta ng naturang grupo.

Nagbigay babala naman ito na isusunod nila ang Globe telecoms.
Samantala, wala pang reaksyon ang PLDT ukol dito.