Connect with us

Planong pagpatay ng CPP-NPA sa officials ng NTF-ELCAC, ibinunyag ng dating kadre

Ibinunyag ng dating National People's Army (NPA) kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang 3 motibo ng Oplan Delta ng CPP-NPA-NDF laban NTF-ELCAC).

National News

Planong pagpatay ng CPP-NPA sa officials ng NTF-ELCAC, ibinunyag ng dating kadre

Ibinunyag ng dating National People’s Army (NPA) kadre na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang 3 motibo ng Oplan Delta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-​National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) laban sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang Oplan Delta ng CPP-NPA-NDF ay ang planong pagpatay at pagsira sa mga opisyal ng task force partikular na ang mga tagapagsalita nito.

“Iyong Oplan Delta, ang layunin niya ay tatlo, una, e-demonise at sirain ang mga kribidalidad, integridad at pagkatao ng mga leaders ng government na involve actively sa National Task Force to End Local communist arm conflict, so hindi lamang mga spokesperson ito, kundi kasama na ang mga leaders na namumuno ng NTF-Elcac, so the’re trying to demolish the integrity of the leadership ng NTF-Elcac para mawala ang sinasabi nilang pagkapursigido, siyempre, Edi-distruct nila ang attention mo d’un sa kasinungalingan ng pagpangatake.”

” Number 2, gumagawa sila ng pamamaraan para intrigahin ang buong operations ng NTF-Elcac, one of this na purpose ng ginagawa nila ay ang pagbubuo ng malawak na alyansa, supposedly to question the validity and purpose of NTF-Elcac, including of budget, removal sa susunod na 2021.”

“Number 3, ay magkaroon ng massive propaganda na ilalabas nila na ang nagaganap na mga pagbubunyag ng government sa kanila ay mga red tagging operations ito. At gusto nila na tanggapin ng mga mamamayan at kaalyado nila na gumagawa ang red tagging daw ang government.So the purpose of the Oplan Delta is to paralyze the leadership ng NTF-Elcac including and possiblility ng paglulunsad ng hindi lamang political and propaganda attacks o hindi kalakip o kasama na, ang military actions.Lalo na sa kagaya namin na former rebels who are serving as part of the speakers full at advocacy support ng government,” ang pagbubunyag ni Ka Eric.

Ayon pa kay Ka Eric, gumagawa ng paraan ang mga rebeldeng grupo dahil lubhang nasasaktan ang kilusan sa whole of government approach laban sa kanila.

Pero sa kabila nito, naniniwala ang samahan ng mga dating kadre na wala nang magagawa ang mga rebeldeng grupo laban sa pamahalaan.

“Definitely, they cannot. Thay can only create disturbance, thay can only create ‘yung mga tactical na mga –  oportunistang pag-aatake katulad ng pagpatay, pag-ambush paisa-isa  – but, tama po kayo they cannot overthrow the government, hindi na nila kayang abutin yun.Pangalawa, they can no longer be more stronger or strongly establish sa hanay ng mga mamamayan because nahihirapan narin silang magrecruit. And, number 3, hirap na hirap na silang magpiga ng financial nila,” dagdag pa ni Ka Eric.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para protektahan ang mga opisyal ng NTF-ELCAC at mapigilan ang Oplan Delta.

 

 

More in National News

Latest News

To Top