Connect with us

Planong pag-atras ni Sen. Bong Go, nirerespeto ni Pang. Duterte

Planong pag-atras ni Sen. Bong Go, nirerespeto ni Pang. Duterte

National News

Planong pag-atras ni Sen. Bong Go, nirerespeto ni Pang. Duterte

Malinaw ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nirerespeto niya ang balak na pag-atras ni presidential aspirant Sen. Christopher Bong Go sa 2022 elections.

Una ng nagpaliwanag si Go na ang dahilan ng kaniyang pag-atras ay dahil sa hindi pa nito dama na handa na siyang tumakbo at maluklok sa pinakamataas na posisyon.

Kasunod nito ay ang katanungan kung sino nang kandidato ang susuportahan o eendorso ni Pangulong Duterte para sa pagkapangulo.

Ang tambalang BBM- Inday Sara ay nanawagan na ng suporta at pagkakaisa kasunod ng desisyon ni Sen. Go

Napag alaman naman na si Cong. Paolo “Pulong” Duterte ay nagpakita na ng suporta kay BBM.

“Lahat naman po ng mga kababayan natin. Lahat naman po whether politician, whether sitting elected official ay may karapatan naman pong mag-endorso at sumuporta ng kani-kanilang mga kandidato.” Saad ni Sec. Karlo Nograles.

Una namang sinabi ni Go na sinuman ang makakapagpapatuloy ng magagandang proyekto ng pangulo ay ito ang kanilang eendorso ni Pang. Duterte sa darating na halalan.

Ang Lacson-Sotto tandem ay nilinaw na ang lahat ng magagandang programa ng Duterte admin ay dapat lamang maipagpatuloy

Ito aniya ang gagawin nila kapag sila ang nahalal kahit hindi sila eendorso ng pangulo.

 

More in National News

Latest News

To Top