Connect with us

Planong face-to-face classes, magiging voluntary – DepEd

Voluntary basis ang magiging face-to-face classes kapag maaprubahan na ito ayon sa Department of Education (DepEd).

National News

Planong face-to-face classes, magiging voluntary – DepEd

Voluntary basis ang magiging face-to-face classes kapag maaprubahan na ito ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay DepEd undersecretary Diosdado San Antonio, ang pagbabalik ng face-to-face classes ay gagawin lamang sa mga lugar na maituturing na low-risk sa COVID-19.

Kailangan din na mapagkasunduan ito sa pagitan ng mga academic institution, mga magulang ng mga estudyante, at sa guidelines na itinakda ng lokal na pamahalaan.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ng Enero ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang panganib ng impeksyon na agad namang binawi matapos maiulat ang kauna-unahang kaso ng bagong variant ng COVID-19 sa bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top