Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Macau, kinumpirma ng DFA

Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Macau, kinumpirma ng DFA

COVID-19 UPDATES

Isang pinoy sa Macau ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ng Department of  Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Macau.

Ayon sa DFA, isang non-resident worker sa Macau ang naturang Pinoy.

Siya rin ang ika-15 kaso ng COVID-19 sa naturang special administrative region.

The Consulate General is in close coordination with the local authorities in Macau on the details of the Filipino national’s travel history and of those people that might be identified as having had close contact with him since his arrival in Macau, and stands ready to provide assistance as needed.”

Bahagi ng pahayag ng DFA.