Connect with us

Pinoy gold medalists na sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio, kikilalanin sa Kamara

Sports

Pinoy gold medalists na sina Carlos Yulo at Nesthy Petecio, kikilalanin sa Kamara

Gumagawa na ng hakbang ang Kamara para kilalanin ang tagumpay na nakamit ng pinoy gold medalist na si Carlos Edriel Yulo matapos nitong masungkit ang pinaka-unang gintong medalya ng Pilipinas sa Artistic Gymnastics World Championship sa Germany.

Bukod kay Yulo, kikilalanin din ng Kamara ang tagumpay ng pinay boxer na si Nesthy Petecio dahil sa gold medal nito sa 2019 Aiba Women’s World Boxing Championships na ginanap sa Ulan-Ude, Russia.

Dahil diyan, inihain na ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang House Resolutions 437 at 438 para kilalanin ang panalo ng dalawang pinoy athlete.

Ayon kay Velasco, mahalaga na makilala ang tagumpay ng dalawang manlalaro dahil sa karangalan na dala nito sa bayan.

Umaasa naman ang kongresista na magtutuloy-tuloy tagumpay ng dalawang manlalaro sa pagsabak ng mga ito sa South East Asian Games (SEA Games) 2019 kung saan host country ang Pilipinas.

More in Sports

Latest News

To Top