Pinatawad na si NCRPO Chief Sinas pero hindi ibig sabihin na hindi ito mananagot – DILG Sec. Año

National News

Kilala si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas na seryoso sa trabaho.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ang dahilan kung bakit pinatawad niya ito kaugnay sa naging selebrasyon sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Dagdag pa ni Año, sinurpresa lang din si Sinas.

Subalit ayon sa kalihim, hindi naman ito rason para hindi managot si Sinas sa naging paglabag ng birthday party. Aniya, alam naman nito ang protocols sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Matatandaang noong May 8 ipinagdiwang ang kaarawan ni Sinas at ilang mga litrato nito na nag-viral sa social media.

Maobserbahan ang ilang paglabag ng mga larawan gaya ng mass gathering at social distancing.