Connect with us

Pinal na quarantine classification sa bansa para sa Agosto, inanunsyo na ng Malacañang

Pinal na quarantine classification sa bansa para sa Agosto, inanunsyo na ng Malacañang

National News

Pinal na quarantine classification sa bansa para sa Agosto, inanunsyo na ng Malacañang

Inanunsyo na ng Malacañang ang quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa first half sa buwan ng Agosto.

Ito ay bunsod ng banta ng Delta coronavirus variant.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakasailalim sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang Iloilo City, Iloilo, Cagayan de Oro at Ginoog City, Misamis Oriental hanggang sa Agosot 7 habang ECQ naman ang Metro Manila sa Agosto 6 hanggang 20.

Nakasailalim naman sa Modified ECQ hangang Agosto 15 ang Ilocos, Bataan, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu City at Cebu Province na subject pa sa apela ng kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU).

Narito naman ang mga lugar na nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions hanggang Agosto 15.

Ilocos Sur, Cagayan, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Lucena, Naga City, Antique, Aklan, Bacolod, Capiz, Negros Oriental, Zambo Del Sur, Misamis Oriental; Davao City, Davao Del Norte, Davao Occidental, Davao De Oro, Butuan.

Habang General Community Quarantine mula August 1 hanggang 31 ang mga sumusunod:

Baguio city, Apayao; Santiago City, Quirino, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Davao Oriental, Davao Del Sur, General Santos, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Dinagat at Cotabato City.

Samantala, Modified GCQ naman sa buong buwan ng Agosto ang iba pang natitirang bahagi ng bansa.

Magugunitang, una nang inirekomenda ng OCTA research na isailalim ang National Capital Region sa a “circuit-breaking” lockdown upang maiwasan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant local transmission.

Ayon pa kay Dr. Guido David, posibleng marami ng transmission ngayon dahil ang resulta ng genome sequencing ay minsan inaabot pa ng 2 hanggang Linggo bago lumabas para makita kung anong variant.

Dagdag pa ni Dr. David, ang Delta pinaka-nakahahawang variant ng COVID-19 ngayon sa buong mundo at ang booster shot ang isa sa nakikitang paraan upang labanan ito at unti-unting makabalik sa normal na buhay sa susunod na taong 2022.

More in National News

Latest News

To Top