desisyon extension ECQ araw

Pinal na desisyon sa extension ng ECQ, inaasahang ilalabas ngayong araw

National News

Ihahayag ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinal na desiyon kung palalawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga lugar na mataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Una ng sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na ngayong Lunes, Mayo 11, iaanunsyo ng Pangulo kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kanyang meeting sa IATF.

Noong Sabado ay nagpulong ang Metro Manila Council Mayors at isinumite sa IATF ang kanilang tatlong proposals kung saan kabilang dito ang mungkahi nila na palawigin pa ng dalawang linggo ang ECQ mula May 15-30.