Connect with us

Pinakaunang Pinoy farmer-owned na gulong para sa mga motorsiklo sa bansa, ilulunsad na

National News

Pinakaunang Pinoy farmer-owned na gulong para sa mga motorsiklo sa bansa, ilulunsad na

Nakatakdang ilunsad sa darating na Abril a-26 ang isang motorcycle tire brand na yari sa goma na binili mismo mula sa mga Pinoy rubber farmers.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, kasabay ng paglunsad Pilipinas Agila Tire ay ang pagsisimula ng nationwide marketing program nito.

Kung saan ibebenta na sa merkado ang 300×17 na motorcycle tires sa murang halaga.

Pagbibigay diin ni Piñol, ang Pilipinas Agila na gulong ay 100% yari sa lokal na goma na produkto ng Philippine Rubber Farmers Cooperative.

Umaasa ang kagawaran ng agrikultura na marami ang tatangkilik sa naturang proudly Pinoy brand na gulong na makakatulong ng malaki sa mga local Pinoy rubber farmers.

 

Ulat ni: Admar Vilando

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top