Connect with us

Pilot testing ng COVID-19 saliva test, sinimulan na

Sinimulan na ngayong araw ng Martes ng Philippine Red Cross ang pilot testing ng COVID-19 saliva test.

National News

Pilot testing ng COVID-19 saliva test, sinimulan na

Sinimulan na ngayong araw ng Martes ng Philippine Red Cross ang pilot testing ng COVID-19 saliva test.

Unang sumailalim sa test si PRC chairman at Senador Richard Gordon.

 

Bukod kay Gordon, nasa 1,000 na health workers rin ang nakatakdang sumailalim sa saliva testing.

Tatlo hanggang apat na oras lamang ang turn around time ng resulta at mas mura sa swab test dahil ito ay nagkakahalaga lamang ng ₱2,000.

No description available.

Maliban sa mura, sinabi ni Gordon na less invasive din ito dahil hindi na kailangan sundutin ang ilong at bibig.

Kailangan lang aniyang ilagay ang laway sa sterile bottle at isumite ang sample sa red cross laboratory.

Sinabi ng senador na magiging game-changer ang saliva test laban kontra COVID-19 dahil mas madalas ng makakapagpatest ang publiko dahil sa mas abot-kayang halaga.

More in National News

Latest News

To Top