Connect with us

Pilipinas, tagumpay sa laban sa arbitral tribunal sa West Philippine Sea

Ikinatuwa ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ang ang paggiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa isyu sa West Philippine Sea sa kanyang talumpati sa United Nation General Assembly.

National News

S pahayag ni del Rosario, sinabi nito na patunay ito na nakikinig ang pangulo sa kagustuhan ng kanyang mamamayan.

Welcome rin sa  dating kalihim ang pahayag ni Duterte na suportado nito ang pagtaas ng mga bansa na sumusuporta sa award kabilang na ang US, France, Germany, UK, Australia at iba pa.

Ayon sa dating kalihim, ang sunod na hakbang na dapat gawin ng Administrasyong Duterte ay gawing reyalidad ang invocation ng arbitral award.

Aniya, dapat masigasig na magtrabaho ang gobyerno para makuha ang suporta ng maraming bansa upang mas maungkat pa ang isyu sa susunod na taon para sa UNGA 2021.

Sa huli, nagpasalamat si del Rosario sa pangulo sa pagtanggol sa teritoryo ng Pilipinas.

Kaugnay nito, marami ding mamamayang Pilipiono ang nagpahayag ng pagkatuwa sa pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa isyu sa West Philippine Sea konta China.

More in National News

To Top