Connect with us

Pilipinas, pinalawig pa ang travel restrictions sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19

Mas pinalawig ng pamahalaan ang travel restrictions nito sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID-19 hanggang January 31, 2021 ayon sa Malacañang.

National News

Pilipinas, pinalawig pa ang travel restrictions sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19

Mas pinalawig ng pamahalaan ang travel restrictions nito sa mga bansang may kaso ng bagong variant ng COVID-19 hanggang January 31, 2021 ayon sa Malacañang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang direktibang ito ay epektibo sa mga sumusunod na bansa:

-United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, the Netherlands, The people’s Republic of China kabilang na ang Hong Kong epscial administrative region, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, United Stated of America, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, Austria, Pakistan, Jamaica, Luxemborg, at Oman.

Sinabi din ni Roque na pag-iigtingin din ang contact tracing protocols sa pamamagitan ng pagpapalawak nito sa third-generation contact para sa mga may new variant cases.

Isinama na rin sa travel restrictions ng bansa ang United Arab Emirates at Hungary dahil sa bagong strain ng COVID-19.

Ipinag-utos din sa Department of the Interior and Local government na ihanda ang lahat ng quarantine facilities at ang paggamit ng staysafe.ph para sa contact tracing.

Lahat ng mga darating na biyahero sa lahat ng bansa na magpoposisitbo sa COVID-19 ay sasailalim sa whole genome sequencing na isinasagawa ng Department of Health, University of the Philippine Genome Center, at ng UP-National Institutes of Health.

Ang pagpapalawig ng extension ng travel ban ay ipinatupad matapos na magposisitbo sa bagong variant ng COVID-19 ang isang lalake na residente ng Quezon City na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates.

More in National News

Latest News

To Top