DFA, tutulungang maka-uwi ang mga OFWs sa Hong Kong

Pilipinas, patuloy na igigiit na may karapatan sa Sabah–Locsin

National News

Ipatatawag din ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin ang Malaysian Ambassador sa Pilipinas.

Ito ang tugon ni Locsin sa pagpapatawag ni Malaysian Foreign Minister Hishammuddin Hussein sa Ambassador ng Pilipinas sa Malaysia para pagpaliwanagin sa kanyang tweet na hindi pag-aari ng Malaysia ang Sabah.

Sa tweet ni Locsin, sinabi nito na ang kaniyang tweet ay “factual” at “historical”.

Ayon pa sa Department of Foreign Affairs (DFA) secretary, walang anumang bansa ang maaring magdikta ng kung ano ang pwede at hindi niya pwedeng sabihin tungkol sa kung sino ang totoong may karapatan sa pagmamay-ari ng Sabah.

Dagdag pa nito, patuloy na igigiit ng Pilipinas ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea at maging sa Sabah.

Una nang tinawag na ‘iresponsable’ ni Hussein ang naging tweet na ito ni Locsin na makakakaapekto sa bilateral ties ng Pilipinas at Malaysia.