Connect with us

Pilipinas, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa China at Russia para makakuha ng COVID-19 vaccine

Nanawagan ng pantay-pantay na access sa COVID-19 vaccine si Pangulong Rodrigo Duterte.

National News

Pilipinas, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa China at Russia para makakuha ng COVID-19 vaccine

Inilahad ni ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa America, Russia at iba pang mga bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para matiyak na makakakuha ang bansa ng COVID-19 vaccine oras na maging available na ito.

Sinabi ni Go na sa pamamagitan ng sulat ay tiniyak sa kanya ni Russian Ambassador Igor Khovaev na malapit na ang completion ng binubuong bakuna kontra sa COVID-19 kung saan tagumpay ang tatlong phases ng clinical trials.

Kinumpirma naman ni Go na tatlong bagay ang nasa offer ni Khovaev, kabilang dito ang, pagsasagawa ng clinical trials sa Pilipinas, sila ang magsusuplay ng bakuha kontra COVID-19 at plano nilang mag-set up ng local manufacturing sa bansa.

Binigyang diin ni Go na dahil sa maayos na independent foreign policy na pagiging “enemy to none and a friend to all” policy ni Pangulong Duterte, nakatitiyak ang bansa mayroong access sa development at magkakaroon ng suplay sa bakuna.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni Go na mismong si US Secretary of State Mike Pompeo ang nag-aayos sa pulong nina US Ambassador Jose Manuel Romualdez at dalawang vaccine manufacturers.

Una nang nanawagan si Go sa gobyerno na dapat ay magtabi na ng pondo para ipambili ng bakuna oras na available na ito sa market kasabay ng panawagan niyang unahin ang mga mahihirap at vulnerable sector na mabigyan nito.

More in National News

To Top