Connect with us

Pilipinas para sa Pinoy Party List, sesentro sa pagbibigay proteksyon ng kapwa Pilipino

Isusulong ng Pilipinas para sa Pinoy Party List (PPP) ang ‘Filipino First Policy’.

National News

Pilipinas para sa Pinoy Party List, sesentro sa pagbibigay proteksyon ng kapwa Pilipino

Isusulong ng Pilipinas para sa Pinoy Party List  (PPP) ang ‘Filipino First Policy’.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni PPP First Nominee Mike Planas na sentro ng kanilang kampanya o adbokasiya ang proteksyon sa mga pilipino partikular na sa sektor ng paggawa at industriya.

Dagdag pa ni Planas, isusulong din ng PPP ang batas na susuporta sa pagtaas sa sahod ng mga manggagawa.

Aniya, kahit gustuhin man ni Labor Sec. Silvestre Bello III na taasan na ang kanilang matatanggap, ay hindi aniya ito magagawa dahil walang batas na sumusuporta dito.

Samantala, isinusulong rin ng PPP ang pagmamahal sa bayan na ani Planas ay dapat simulan na maitanim sa mga puso at isipan ng mga kabataan.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top