Connect with us

Pilipinas, pangatlo sa Timog-Silangang Asya na may pinakamaraming naibakunang COVID-19 vaccine

Pumangatlo sa posisyon ang Pilipinas sa South East Asian nations na may pinakamaraming doses ng COVID-19 vaccines na naibakuna na.

National News

Ito ang iniulat ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kung saan umabot na sa 1,139,644 doses ang naiturok na base sa pinakahuling tala nitong Abril 11.

Pumangalawa naman ang bansang Singapore na may naibakuna ng 1.7 million doses.

Nangunguna naman ang Indonesia sa Asean region sa may pinakamaraming doses na naiturok na, na nasa 14.7 million.

Samantala, dito sa National Capital Region, nasa kabuuang 280,569 doses na ang naibakuna.

Mula sa naturang bilang, 269,814 ay first-dose vaccines habang 10,755 ay second-dose vaccines.

More in National News

Latest News

To Top