Connect with us

Pilipinas, nangunguna sa South East Asia na may pinakamataas na kaso ng COVID-19

Kooperasyon ng publiko ang kailangan para mapababa ang bilang COVID-19 cases sa bansa.

National News

Pilipinas, nangunguna sa South East Asia na may pinakamataas na kaso ng COVID-19

Naunahan na ng Pilipinas ang Indonesia na may pinakamaraming bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa South East Asia.

Ito ay makaraang maitala ang mahigit 119,000 na kaso noong ika-6 ng Agosto.

Habang mahigit 118,000 naman ang naitala ng Indonesia na may higit 5,000 nasawi at 75,000 na nakarekober sa kaparehong araw.

Mas mababa naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Pilipinas na nasa mahigit 2,000 lamang at 66,837 recoveries.

Ipinagmalaki naman ng Department of Health (DOH) ang mas mataas na bilang ng kaso dahil mas pina-igting pa ng pilipinas ang isinasagawang COVID-19 testing.

Sa kabuuan, naisailalim na sa COVID-19 test ang nasa 1.5% na populasyon ng Pilipinas kumpara sa 0.34% na naisagawa ng Indonesia.

Samantala, nangunguna naman ang Metro Manila na may pinakamaraming kaso sa bansa na umabot  sa 2,041 sumunod ang lalawigan ng Laguna-222, Cebu-221, Cavite-100, at ang Rizal na may 81 na kaso.

More in National News

To Top