Connect with us

Pilipinas, na-demonize ang China mula noong administrasyon ni Pnoy

Na-demonize ng Pilipinas ang China simula noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

National News

Pilipinas, na-demonize ang China mula noong administrasyon ni Pnoy

Na-demonize ng Pilipinas ang China simula noong administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang binigyang-diin ni Sass Sasot ng history department ng  Maastricht University sa The Netherlands kaugnay sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Sass, kung sisilipin  ang kasaysayan, matagal nang pinag-aagawan ang Spratly Islands na nasa West Philippine Sea ng iba’t-ibang bansa bago ang 1900s.

Subalit simula 1970s, nang magkaroon ng world oil crisis bunsod ng sunod-sunod na digmaan ay nagka-ideya si dating Pangulong Ferdinand Marcos na galugarin ang Spratlys na mayaman sa langis para maiahon ang ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Sasot na para maresolba ang kasalukuyang tensyon sa West Philippine Sea ay dapat  ipatupad ang soft power sa halip na coercion, persuasion o force.

Iginiit ni Sasot na ang patuloy na pagdedemonize ng bansa sa China ay hindi nakatutulong na posibleng pang magdulot ng digmaan.

 

 

More in National News

Latest News

To Top